BARISTA! GOOD LUCK SA'YO!
==
ayaw ko munang mag-english. napupurga na'ko. english pag klase, pag recitation, pag nagbabasa. grrrrr
hay nako. nakaka-miss ang college. yung tipong aabsent ka ng walang dahilan, pagpasok mo, parang wala ka lang na-miss na lecture. nakaka-miss din yung tipong bago mag-klase, manonood ka lang ng sine tapos pagpasok mo sa hapon, wala lang. kahit ndi ka mag-aral, mabubuhay ka, makaka-uno ka pa rin.
dito sa sitwasyon ko, pahirapang humanap ng panahong manood ng sine. na kapag nanood ka lang, mas gugustuhin mo pang mag-absent kahit nakakulong ka lang sa dorm dahil hindi ka nakapag-review. na kahit nabasa mo na ng ilang beses ang isang 100-pages na topic sa gabing yon, ndi mo pa rin magagawang pumasok kapag nanood ka lang ng sine.
==
sa lahat ng ayaw ko.. yung nakakasakit ako ng tao. lalo na yung magtatapat ng nararamdaman, magtatanong kung anong katayuan nya sa buhay ko tapos sa akin manggagaling na hanggang dun lang yung pagtingin ko sa kanya.
bakit ganoonnnnn? ayaw ko nun dahil naramdaman ko nang ma-basted. sobrang sakit, kaya ayaw kong ganon. ayaw kong nasasaktan ang tao dahil sa akin.
si Ron, apat na taon nang nangungulit, nagtatanong, nababasted. at nakakainis dahil ayaw nyang tumigil. nakakainis ndi dahil nakukulitan na ako kundi dahil parati na lang silang nasasaktan.
and then my friend, _ _ _ _ _.
nadagdagan pa. :(
sa inyong tatlo, pasensya na. kahit ayaw kong masaktan kayo, hindi naman pwedeng pilitin ang sarili kong magustuhan din kayo.