murahin ang sarili paminsan-minsan
madaming nagsasabing 'wag kang umasa kung ayaw mong masaktan.
pero kapag ba hindi ka umasa, matatakasan mo ang sakit?
hindi naman eh.
sa totoo lang, mas masakit pa.
alam mo kasing dapat hindi ka masaktan dahil hindi ka naman umasa, pero masakit na maramdamang nasasaktan ka pa rin kahit alam mo na ang mangyayari.
higit pa dun, nawawalan ka ng tiwala sa maraming bagay.
sa tao, sa sarili mo, sa kakayanan mong manalangin, at sa pagdinig Nya sa panalangin mo.
sasabihin ng maraming tao na hindi ka dapat mawalan ng tiwala sa sarili mo dahil ikaw lang ang makapagbabangon sa'yo kahit ano pang gawing suporta ng iba. pero wala ka nang magawa kapag ikaw mismo ang humahatak sa sarili mo pababa.
at paghatak mo, nahahatak mo rin ang mga taong gusto mong iangat. ang mga taong dahilan kung bakit ka nagpupursiging iangat ang sarili mo.
oo nga pala, hindi ako pumasa sa Ateneo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home