to you, because you know who you are
hindi ko kaya.
kahit ilang beses kong subukang tumalikod,
hindi ko kaya.
kahit ilang beses sabihing tama na,
hindi ko kaya.
bakit kailangang maging mali ang mga bagay na masaya?
======================================
26.05.06
LCB-operating room 8 @ 8:33 AM, habang nag-ooperate ng c-arm
lumabas kami kahapon. sinamahan ko s'yang pumunta sa APMC, sa may Quezon Avenue ... masaya. kumain kami sa Goldilocks (masarap ang pagkain basta gutom ka na at isang buong araw kang walang kinakain...). mga dalawang oras siguro kami do'n... binasa n'ya ang aking sulat ng "pamamaalam" at pinag-usapan namin ang mga bagay-bagay... hindi ko talaga kayang magpaalam. naiinis na ako sa sarili ko.
nung pauwi na kami, nakasiksik ako sa kanya habang siya ay nakaakbay sa akin. masaya. masayang sumiksik sa taong ... gusto mo. naalala ko ang magkasintahan na nakasakay ko sa jeep noong minsang pauwi ako sa dormitoryo ng kapatid ko sa dapitan. nakasiksik sila sa isa't-isa, at natuwa ako sa nakita ko. at kahapon gano'n din kami. at ang sarap ng pakiramdam. parang... kahit na wala akong karapatan, gusto kong tumingin sa mga tao at sabihin ng buong pagmamalaki, "he is my guy and i am his girl".. masaya, masaya.
pasensya... pasensya sa taong nasasagasaan namin. sa MGA taong nasasagasaan namin.
pasensya.
at para sa 'yo, sana kahit papa'no, masaya ka. at sana alam mong tapos na ko sa paglalaro.
==============================================
thanks sa may-ari ng blog. signing out.
malayang tala
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home