mahabang kwento
hm. nagpunta ako sa doctor kanina. ipapa - 2D Echo daw ako.
ayoko sana magpaganun and other lab tests like blood chem and urinalysis kasi dagdag gastos na naman, hindi naman importante.
minsan ayoko na lang mag-complain kapag may masakit sa'kin para wala nang mag-aalala, wala nang gagastos, etc.
oh well...
nung pauwi na kami, tumirik yung dala naming sasakyan sa highway ng Cardona, Rizal. hahaha!! nawalan ng gas. kaya minabuti na naming tawagan si Popo para tulungan kami...
just imagine, sunset, nasa highway kami pero ang nasa kanan namin ay bundok, nasa kaliwa ay bangin... at andun kami, si mama, ang lola ko, at ako. tatlong babae, isang nakatirik na sasakyan, at sangkatutak na trak ang dumadaan...
at pagdating ni Popo, tumatawa s'ya. nakaka-relieve na for once, nagkaproblema at hindi nagalit si Popo... natural high yon para sa'kin. rare experience... :)
oh well...
natapos ko na ang Princess Hours.. natawa ako sa ibang parts, naluha ako sa iba... pero naisip ko lang:
kung nasasaktan ka dahil hindi alam ng taong nagmamahal sa'yo na mahal mo din s'ya, bakit hindi mo pa sabihin kung alam mo din naman na ikaw din ang makakapagpasaya sa kanya? Anong nakakatakot dun?
oh well...
may hana yori dango na pala sa GMA. kelan ang simula? ayaw ipapanood sa'kin ni Det yun eh, dahil si Matsumoto Jun ang bida. >_> sa-shotgunin daw n'ya yung TV namin. hahahaha!!
dati, nag-away pa kami at almost nagbreak (o nagbreak nga?) dahil hindi ko sinabi sa kanya na bumili ako ng Gokusen... ayaw n'ya talagang ipapanood sa'kin yun dahil kay Matsumoto.. at dahil dun sa isang character na blonde ang kulay ng buhok. Autistic daw kasi sila...
ayun lang... hahaha.. ^^ PICTURE PICTURE! (highschool barkada at Karate Kid, Eastwood. Before Aissa left for UAE.)
1 Comments:
e ano naman kung autistic si Matsumoto? ang labo n'yo talagers.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home