kanashimi no tenshi: just let me cry...

My tears are not free. Every drop amounts to a piece of your heart. So when I cry you a river, prepare to give me you heart. and I'll welcome it with a kiss. (012407)

Tuesday, May 24, 2005

sa wakas may bago...

sa aking paglalakad sa anino ng nakaraan
saka ko pa lamang nalalaman na
mayroon palang bagay sa iyo na hindi ko
magugustuhan kahit kailan.
nagkamali ako nang isipin kong mamahalin ka ng buong buo
na walang hahadlang, na walang alinlangan

dahil nalaman kong hindi pala lahat
ng bagay ay may dahilan.
nang ika'y mahalin, saka pa lamang nalaman
na ang pagmamahal pala'y
hindi hinahanapan ng bakit.
ng paano.
ng hanggang kailan.

Noong biyernes, nalaman kong buhay pa
ang aking panghihinayang. pero noong araw ding yaon
namatay ito, at nabuhay ang pagsisisi

dahil naghintay pa sa iyo.
at sa pagmamahal mong hindi pala darating.
dahil ito'y ikinulong na ng isang mahikang
babalot sa iyong pagkatao.

ang isang pagkakataong hindi ipagkakaloob
ay mariing inililimot sa ilalalim ng
mapait na alaala, isang sugat na nahihirapang maghilom
isang sugat na naghihinapangang matuyo

ngunit kapag tinuklap ay sariwang sariwa
na parang isdang bagong huli
sa dagat na puno ng dumi
ng binasurang pag-ibig.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home