tula. >_<
ginawa ko ang tulang ito noong 1st year, 2nd sem ..umuulan noon.
Walang saysay na pakiramdam
Ang mga pinagsama-samang
lungkot at emosyon
ay makikita sa pagbugso
ng ulan.
Ang mga panahon
na ibinuhos sa mga
taong walang malay
ay patuloy na dumadaloy
dahil patuloy silang
minamahal.
Ang pagmamahal na
naukol sa kanilang
mga walang pakialam
kahit sila'y may
kamalayan na.
Ang mga malay nilang
hindi man lamang
ginagamit dahil
natatakot silang
mabigo kapag sila'y
nagsalita
At ang mga salitang
ayaw nilang ilabas
sa kanilang mapuputlang
labi
ay mananatiling
nakatago sa ilalim ng
bahang dulot ng ulan.
Ang ulan na tanging
nakaririnig sa nais
sabihin ng mga labi
ay hindi maintindihan
ng mga tengang
nabibingi sa lakas
ng pagbuhos nito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home